Monday, November 15, 2010

Three St. Andrew

T - alaga pa lang, ang pag-ibig di mo man
H- anapin ay kusang lumalapit
R- umaragasa sa bawat pusong puno ng
E- mosyon na walang katulad
E - wan ko lang kung hanggang kailan tatagal.

S - ila'y mga bago sa buhay ko, tres
A - ndres kung sila ay tawagin
I - ntelihenteng section sila nabibilang
N -i sa hinagap di ko akalain
T - atay ang itawag nila sa akin...

A - t sa araw- araw na sila'y kasama
N -gayon sa puso ko sila'y nakaukit
D - umating man ang panahon tayo'y magkalayo
R- emember always andito lang ako...
E - verywhere, anytime, any place
W - hen you call my name, 

I - will  always be there....

L - ahat ng mga pangaral ko sa inyo
O - ras-oras lagi sana isaisip, mga
V - ideo na sa inyo ipinapakita
E - xtra lang yan ng mga lessons natin....

Y - aman yan ng puso't isipan ko...
O - ras na kayo ay maligaw o malungkot....
U - masa kayo ay kasama sa dalangin...

Dahil sa maikli nating pagsasama,
Ipinadama n'yo ang importansya sa akin...

Saturday, November 13, 2010

You Can Make A Difference

Our School Director and High School Principal, Rev. Fr. Elmer G. Dizon. Our High School Assistant Principal, Miss Maricris Aliado.Our Science Coordinator and Adviser of the SAAPSSC, Mr. Sammy S. Mallari, the Science teachers, high school teachers, parents, Augustinians, ladies and gentlemen,

It gives me great pleasure to be among you today on the occasion of the Science Month with the theme: Nurturing the Genius In Me ( I Can Make A Difference In My World ). In the past few weeks students, advisers, all of us had been busy preparing for this occasion…As they say, in this Science Month celebration, it made everyone to be involved. It made each and everyone of us to do our part and have our own share.Sabi nga nila pag science month, binibigay ng bawat isa ang kanyang best para maging bahagi ng grand finals…. Sana ito ay hindi lamang dahil gusto nating manalo kundi dahil gusto nating maging bahagi ng pagbibigay halaga at impotansya ng araw na ito…The World Environment Day is a reminder to show our gratefulness to Mother Nature, which sustains all forms of life. This is the day to focus our thoughts and our energies to make collective efforts towards protecting the environment. This year, the World Environment Day Theme - “Biodiversity — Ecosystems Management and the Green Economy” a very appropriate theme for the Environment Day. This is an urgent appeal to each one of us to recognize the significance of the environment in our life and the role each one of us can play to conserve it.

Since Monday, the Science Department had been playing videos in order to inform each and everyone, of what's really happening in the world. If you will really think deeply, mapapaisip kayo…at mapapatanong kayo…ito ba talaga ang mundo ko? Ang piece natin sa SCI-AWIT Interpretative Dance Competition, na "BULAG PIPI, AT BINGI" ay hindi lamang ginamit para tayo makasayaw ng maayos. Ito ay ginamit upang iakma sa kasalukuyan nating kalagayan sa ngayon…Marami na tayong nakikita na kaibahan sa ating mundo….Nakikita na natin ang problema…Marami na tayong kaalaman upang masolusyunan ang mga problema at mapanatili natin ang kagadahan ng ating mundo….Marami na tayong narinig na panawagan para sa ating kapakanan…pero as if wala tayong nakikita, naririnig, at ang lahat ng ito pinagwawalang bahala natin…Sabi nga ng kanta, "Di nalalayo sayo ang tunay na mundo...marami sa amin nabubuhay ng tulad mo..di makita, di marinig, minsa'y nauutal…patungo sa hinahangad na buhay na banal"…pero pano giginhawa ang buhay natin kung tayo mismo ang causes ng mga ito? Ang choral piece na"reverse creation"ay isang paalala sa maaring gawin ng tao kung sakali man na siya ay makalimot…Ang mga activities sa Science Month ay hindi lamang puro pakontes kundi ang mga ito ang nagsisilbing media para gisingin tayo sa katotohanan. Andito na ang problema….ang kailangan ay magkaisa ang bawat isa para ito ay mabawasan…. Sabi nga, I Can Make A Difference In My World…So gawin nating kakaiba ang ating mundo…gawin nating kakaiba sa nakikita natin ngayon…sabi nga ng isang video entry ng III-St. Philip…"ito ang mundo ko….kaya ko…kaya mo…kaya natin…may magagawa tayo….

We should be proud of our community, our school for it leads us to a life that we can be proud of… Conservation and protection of environment and love for nature have always been part and parcel of our culture.

The development without care for environment has posed threats to the very existence of life itself. Now, the realization that mere progress and economic development cannot solve all our problems. Development and environment should go hand in hand for a better future…


Each and every one of us must play a strong and active role in creating environmental awareness. I am happy to say that with the videos submitted by the students in the video ad making competition, had made them realized their role in creating awareness to fellow students as well as to the community…

I am happy to see that a number of Augustinians have participated in various activities of the Science Department. These activities will help all of you in developing a sense of environmental responsibility, which is so essential in our every day life. It is the absence of this responsibility which is causing problems on our streets, residential areas, market places and other public places. This leaves you all - responsible citizens of tomorrow, with a great burden to shoulder. But I am confident that you have the capacity not merely of shouldering this burden but also influencing people much older to you in following environmental discipline.

I wish the SAAPSSC officers, the Science Department, and the whole SAAP Community the very best in their future endeavour.

I would like to thank and congratulate all of you who have participated. We need to act now…We need YOU… for the betterment of our lives and better understanding of the delicate web of life that exists on this only planet known to sustain life.

Congratulations in advance to all winners and thank you very much to all advisers, to all teachers for the unending support. Sana this will not be observed during the Science Month only, but sa lahat ng oras…at sa lahat ng panahon….Again…thank you very much….GOD BLESS US ALL….

A Different World...A Bigger Task.....

It is a pleasure to join you this morning, on behalf of the Science Department, we wholeheartedly welcome you here today. You have made this day even more special with your presence. We are here to witness the wits of the SCI WIZARDS. The best among the rest....These finalists were chosen from a written exam given by the Science Department to all levels...and these students emerged as the top 5...And today they will vie for the title of SCI-WIZARD 2010....This was made possible by our science coordinator with the help of the science teachers, the high school teachers and advisers....At the Physics laboratory room, you will see the different entries of the students in the "on the spot poster making" and "collage making" competitions, there are also different videos submitted by the students as an entry which made me happier because with those videos, it made me think that Augustinians are really for the betterment of MOTHER NATURE...We never put our knowledge into waste...We use them for our own future...These competitions are part of the Science month celebration with our theme: Nurturing the Genius In Me (I Can Make A Difference In My World). As one of the videos puts it....we must go hand in hand for the betterment of our environment...our future....I know being one of the finalists made  your world different...A bigger task....that is to bring home the bacon...Though how big....with GOD's help and guidance... you can do it... Your being here certainly makes it an easier and more rewarding experience....which i know you'll cherish forever.... Good luck to all of you...God bless us all.Thank you so much. Good morning...

Thursday, November 11, 2010

ako...isang guro....

sabi ko nga dati....mahirap maging teacher....madami ang responsibilidad na dapat gampanan para sa ikabubuti ng aming mga estudyante....mahirap ang papel namin...kami, na kahit na may pansariling problema, ay dapat isantabi muna para humarap sa responsibilidad namin sa aming mga estudyante...kailangan naming harapin ang mga suliranin nila para maging maganda nag takbo ng buhay nila hindi lamang sa paaralan kundi pati na rin ang personal nilang buhay...

kahapon, ang hirap isipin na sa kabila ng mga pangaral ko sa mga estudyante ko, ay mayron pa rin na nananatiling manhid at ipinagwawalang bahala ang mga pangaral ko....sa kabila ng mga pagmamahal at atensyon na ibinibigay ko sa kanila ay tuloy pa rin sila sa mga maling gawain...mga estudyante na pinipiling maging pasaway, para lang makatawag ng pansin....

ako..isang guro ay ibinigay ko na lahat ang mga bagay at pangaral na sa tingin ko ay kailangan para mapanuto sila...napakasakit sa akin na sa wala lang mapupunta ang lahat...

ayaw ko man pagalitan sila at pagsabihan ay kailangan para magising sila sa kanilang pagkakatulog...kailangan dahil sa bandang huli sa aming mga guro pa rin ibinibigay ang mga responsibilidad....

nasaan ang mga magulang? higit pa kami sa kanila, hindi nga namin sila tunay na mga anak...pero higit pa sa tunay na anak ang ibinibigay naming atensyon at pagmamahal sa aming mga estudyante...nagpapasenya kami at nagtitiis sa mga kalokohan ng mga estudyante at hanggang sa huli ay pinipilit namin silang maging maayos at mapabuti...

pero hanggang saan at hanggang kailan kami magtatagal...kami na sinasabing napakadakila ng aming propesyon...mga bagong bayani...pero hanggang salita lamang iyon...bakit? ni hindi kami mabigyan ng magandang sahod para ipantustos sa aming mga pamilya...ni hindi kami mabigyan ng tama at sapat na pagkilala sa aming kabutihang ginagawa...napapansin lang kami kapag kailangan kami...kapag eleksyon...kapag botohan...pero pagkatapos ng botohan ni halos hindi maibibigay ang sahod na nararapat para sa amin...sahod na aming pinagpuyatan at pinagpaguran kasama ng aming buhay...

kilala nyo ba talaga kami? alam nyo ba talaga kung gaano kami kahalaga sa buhay nyo?...sana hindi lamang sa salita..sana hindi lamang puro papel..sana hindi lang puro propaganda...kailangan namin ng aksyon...ng puso....ng tamang atensyon at pagmamahal dahil tao din kami....kami ang inyong guro...ang inyong pangalawang magulang....ang nagpuno ng mga kulang sa buhay nyo....

Saturday, November 6, 2010

3 kings (isang bagong buhay)

ang buhay ng isang guro ay masasabi nating mahirap at masalimuot...walang kasiguraduhan kung ano ang tamang tugtog na makakapagindak at makakagising sa mga estudyante...kami ay parang mga aktor sa entablado na umaarte para maintindihan ng mga bata ang aming mga itinuturo...sabi nga, kami ang ilaw at gabay para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan...na sa bawat salitang namumutawi sa mga labi ay pinakikinggan ng mga bata...at sa bawat kumpas ng mga kamay na kanilang sinusundan na para bang telenobelang walang katapusan...kami mga aktor na kahit may sariling hinaing ay kailangan magturo para sa mga kabataan..ika nga sa showbiz, "the show must go on." ako, isang guro na nabubuhay para sa aking mga estudyante...

isang araw ng papauwi ako galing sa school ay nakasalubong ko ang aking mga estudyante.si dave, ralph,robert at john...tinanung nila ako kung saan ako umuuwi at tinuro ko ang smart cell site. sabi ko sa tapat niyan...kala nila nagbibiro ako..sabi nila sama sila sa bahay..and i said ok...3 sila sumama, si ralph, robert at john...si dave sumakay ng traysikel at unuwi na...matagal-tagal na rin akong di nakikipag close sa mga estudyante.kasi nga bago lng ako sa skul n pinagtuturuan ko..galing akong manila at iba ang way of life dito sa bago ko tinuturuan...iba kultura...iba rin magisip mga tao...di ako close sa mga students k d2 sa bago ko skul...kng merun man mabibilang mo sa daliri...1 pa lang ang talagang close ko na masasabi kong kilala ang tunay na ako...si jerome, estudyante ko last yir sa physics at presidente ng science study club...(SAAPSSC)at salutatorian ng batch nila.Si jerome na kahit nasa manila na ngaun at duon nag-aaral ay di pa rin ako nakakalimutan kumustahin....tatay tawag nya sa akin...ano nakita ko sa kanya? totoo siya sa kanyang mga salita...maganda pananaw sa buhay at sa unang araw pa lang s klase nila ay siya lang ang unang ngumiti sa akin at nakatawag ng pansin ko...isang mabait, matulungin, at matalinong bata...

sa ngayon, ay panibagong simula.....eto nga 3 kong estudyante na di ko sukat akalain ng pupunta sa bahay...kasi wala nga nagpupunta s2dents sa bahay namin...maliban un ke jerome at un iba officers ng SAAPSSC...eto nga at sumama sila sa bahay...sabi ko nga 3 kings...at un 1 naligaw...kasi sabi nila 4 un hari na naghanap kay Jesus ng ipanganak siya.un 1 naligaw at un 3 sinundan un mga tala...e2 nga un 3 sinundan un smart cell site at di naligaw....haha...kasi tapat na tapat ng smat cell site bahay namin...haha...but sa totoo lang habang naglalakad kami ay nasa likuran ko sila...

kwentuhan...dami nila tanong..ipinakita ko sa kanila un mga old pictures ko...para makilala nila ako lubusan...kng sino ba talaga ako...nalaman nila mga favorites ko...un mga dati ko students at marami pang iba...masaya, kasi parang bigla ako nabuhay muli...parang nagbalik un dati ko sigla...kasi sa manila lagi ko kasama s2dents ko...kwentuhan kami....un mga problems nila sinasabi skin and i help them solve their problems...masaya ako na makipagkwentuhan sa mga students ko.para akong bumabata....at kahit wala na ako sa manila ay may communication pa rin ako sa kanila...i know i have made their life meaningful...and they have done to me just the same...un iba pumupunta dito sa bahay from manila para makausap ako personally...masaya ako dun,, dama ko importante ako sa kanila...

at eto nga sina robert, ralph, at john...mga bago ko anak....3 kings kasi sila ang kauna-unahang estudyante na masasabi kong close sa akin ngaun...sila ang kauna-unahang regalo sa akin ni GOD para sa birthday ko...malapit na kasi birthday ko...at napakasaya ko nung araw na nagkukwentuhan kami...alam ko di nila iyon napansin na masaya ako...pero they really made me happy... sabi nga nila first session...at me 4 sessions pa kami na gagawin...haha...napakasayang kwentuhan...alam ko hindi lang 4 sessions ang mangayayari kasi alam ko tuluy-tuloy na ito...isang bagong buhay para sa akin na matagal kong hinintay....

nasa mga estudyante ko ang kaligayahan ko...nasa kanila ang puso ko...may pamilya man akong sarili ay masasabi ko na sila rin ay pamilya ko...at sa bawat pagsambit nila ng salitang "tatay" ay langit na para sa akin....

alam ko, di man natuloy ang pangarap ko na maging pari ay para na ring ibinigay iyon sa akin ni GOD...dahil naitatama ko ang landas na tatahakin ng aking mga estudyante...sa pamamagitan ng aking mga pagtuturo ay naliliwanagan ang kanilang mga tulirong isip...





ang 3 kings sabi nga sa kwento, simbolo ng bagong pag-asa,....ang 3 kings sa buhay ko...salamat sa inyo...mga estudyante ko,mahal ko ..buhay ko....

Wednesday, November 3, 2010

III- St. Philip...

T imothy dyan sila nagmula,
H among malaki para sa aking propesyon
R umaragasang mga katanungan at
E mosyon ang aking nadarama
E wan ko kung bakit ako napapayag
sa kanila ay maging gurong tagapayo.

S ubalit nang sila ay makasama
A ko ay biglang natuwa
I bang klaseng kabataan sa aki'y tumambad.
N a kahit sila ay kakaiba
T alaga namang mamahalin mo sila.

P angako sa kanila, ako'y laging andito
H andang dumamay sa anumang oras
I kot man ng mundo ay magbago
L agi ako sa piling n'yo
I to ang aking pangako
P akamamahalin ko kayo.

N ais ko sana inyong intindihin
A ng mga pangaral ko sa inyo
N a sa bawat bagay na ating ginagawa
D iyos ang sa ati'y laging gumagabay
I to ma'y malaki o maliit
T iwala sa sarili lagi nyong dadalhin, sa
O ras na kayo'y manghina at malumbay
A ral ko'y inyong alalahanin.
K aya mga anak inyong isaisip
O ras ay mahalaga.

L umipas man ang panahon
A t kayo'y maging propesyonal
G abay ng Diyos inyong hingin
I sang pananggalang sa mundong tatahakin……

III - St. Bartholomew...

T anong ko nun sa sarili ko
H i rap yatang pakisamahan section na 'to
R est di mo na magawa
E very end of the day may reklamo ang guro
E h panu na ang pagtuturo...

S ubalit habang tumatagal
A king nakita sa kanila
I isang puso at damdamin
N a kailanman di matatawaran
T anging yaman ng gurong tagapayo...

B awat araw na nagdaraan
A ng puso ko'y lalong napapamahal
R umaragasa ang damdamin
T uwing sila'y aking nasisilayan
H abang sa bawat interaction, di pansin ang
O ras na dumaraan
L aging handa basta chemistry na
O ras di mahalaga, matuto lamang sila
M ga payo ng guro sa kanilang mga buhay
E wan ko kung may hihigit pa sa kanila
W ala na nga wala..........


M ga araw man
A y lumipas
H indi ko kayo malilimutan
A t sa bawat oras ng buhay ko
L agi kayo sa puso't isipan ko

K aya laging tatandaan
O ras oras sa buhay nyo...

K ahit di na tayo magkita
A ng bawat pangaral ko sa inyo
Y aman at magiging gabay nyo
O ras oras ng buhay nyo...

Pagkat buhay ko'y inyong
Binigyan ng halaga
Kailanman di ko kayo
Makakalimutan....

Gulong...

Sabi nila ang buhay ay tulad sa isang gulong…kung minsan nasa itaas…minsan sa ibaba. Pero kung ito ay tulad sa isang gulong…bakit ang bagal ng ikot? Di ba mabilis ang ikot ng isang gulong? O sadyang ganito talaga…

Ang bawat tao ay may kani-kanyang gulong na itinalaga para sa kanya ng Maykapal. Tulad na lamang ng mga sasakyang nakikita kong rumaragasa sa lansangan… Iba't-ibang klase… May bago… may luma.May maganda...may pangit. Di ba ganito rin ang buhay? Masaya…malungkot…kaginhawaan…kahirapan… Pero, bakit sa sitwasyon ko parang ayaw umusad ng buhay…Ahh…ang bagal…Katulad kaya sa isang gulong "flat tire" na ang gulong ng buhay ko? Sana, hindi…Sana mapansin Niya ako para makausad ako…

Pero, bakit ako andito? Naiwanan ng isang malaking responsibilidad…Sa mura kong edad kaya ko kaya ito? Sabi nila ang kabataang tulad ko ang pag-asa ng bayan. Uso pa ba iyon? Totoo pa ba ito? Sa sitwasyon ko ngayon…isang ulila…magiging pag-asa pa ba ako ng bayan? Kung sa sarili ko at sa sitwasyon ko ngayon wala akong makita at madamang pag-asa…Buhay ako…humihinga…pero hikahos sa buhay…Salat sa lahat ng bagay. Walang tahanan na pwede kong sabihing sarili…walang maayos na damit na kukubli sa aking katawan sa init ng araw at lamig ng gabi. Wala… kahit tsinelas man lang upang maprotektahan ang mga paa sa init ng lupa at putik sa bawat daraanan ko…Walang pagkain na bubusog sa tiyan upang magkaroon ng lakas sa pakikibaka sa hirap ng buhay. Ikaw… nakikita mo ba sa akin ang pag-asa ng ating inang bayan? Nasasalamin mo ba sa katauhan ko ang isang magandang bukas? Ako… na isang ulila…isang batang lansangan…isang busabos….

Ahhh…. Natatandaan ko pa ang kwento ng nanay ko noong buhay pa siya. May isang batang kalye na halos walang pumapansin sa kanya ang gumanda ang buhay. Naging tanyag at tumutulong sa mga taong naghihikahos. Magiging kagaya kaya niya ako? Siguro may magara na siyang sasakyan. Dadalhin kaya siya dito ng kanyang mga gulong? Pag napadaan siya, makikita kaya niya ako? Sana mabagal lang ang takbo niya, para mapansin niya kami ng kapatid ko. Alam mo, kung ako lang kaya ko na harapin ang lahat ng hirap…Pero, paano kapatid ko? Napakabata pa niya para maranasan ang walang katapusang hirap na ito. Paano ko siya itataguyod? Kahit ako hindi ko alam ang mangayayari sa akin sa bawat araw na daraan…

Pero sabi nila may pag-asa…Buhay pa ako…humihinga…pati kapatid ko….E di may pag-asa pa pala ako….At sabi nila di raw natutulog ang Diyos…ang lahat nakikita Niya…ang lahat naririnig Niya….Kahit na iyong pinakamahinang bulong…Siguro naririnig Niya ako sa bawat dasal ko sa Kanya…Siguro nakikita Niya ang kalagayan namin ng kapatid ko…Siguro alam Niya hindi ko kaya itong mag-isa…Di ko kayang buhayin ang kapatid ko… Kailangan ko ng gabay…ng tulong para maibsan ang hirap na ito….Alam ko sa mga darating na araw babaguhin Niya ang takbo ng buhay ko. At bibigyan Niya ako ng isang bagong gulong upang maging maganda ang takbo ng buhay ko…Sana….

Alam ko…inihahanda lang Niya ako sa isa pang yugto ng buhay ko tungo sa kaginhawaan….Ang lahat ng ito ay pagsubok lamang upang mas lalo akong maging matatag sa pagharap sa buhay ko sa kinabukasan…Upang mapanuto ako sa tamang paglalayag ng gulong ng buhay ko…Sana…

A Note from A Student....

I never thought that I would be as close to this person in my entire life. I never had a chance of being close to such a guy who treasured me as his real son. I'm glad that I had known him and gained his trust for he made me for what I am now. I'm very lucky for knowing him for he had imparted to me what he knows in every aspects of life-realities of life. He let me discover myself more and improve for the better. He is always there to guide me on the right path; a shoulder to lean on and he always lift me up for my every fall. Because of this, I regarded him as my father and I can say that he is a person that i cannot live without.

I have known him for almost three years now. When I first met him in school, I had the jitters. He had a loud voice and he never smiled.  He led the prayer, then he introduced himself. He is Mr. Sammy S. Mallari, our teacher in T.L.E. I. The Science and T.L.E. Coordinator of Philippine Tiong Se Academy. A chemical Engineering graduate of the Technological Institute of the Philippines. He took his 18 units of education at the National Teachers College and his Master of Arts in Education major in Mathematics at Jose Rizal University. He is teaching for almost 15 years now, handling Chemistry and Physics subjects. He is now at his 7th year at Philippine Tiong Se Academy. He just loved to read books, especially Science, Mathematics and cookbooks. He has his own small library at home and a collection of original inspirational movies which he watch whenever he is alone. Some of his favorites are "Chariots of Fire", "Finding Forrester", "Dead Poet Society", "The Emperor's Club", and "Good Will Hunting". These movies inspire him to better his craft. He was one of the semi-finalists in the poetry writing contest at poetry.com. Two of his poems are "For Someone Who Could Never Be Mine" and "The Woman In You", which are still online. As far as I know he is the only Filipino author there.

This man dreamt of serving the Lord when he was young. He dreamt of being a priest, but it did not materialize because his parents don't want him to. He said that whenever he and his friends play, he acted as a priest and teacher. He had fulfilled the other one, being a teacher. He said that he is happy with his life now, being single. He preferred to be alone. He teaches well, you can easily understand him because he will show all the techniques needed and the possible solutions to such problems. He will never leave a lesson until his students understand. You can never see him sit in class. He talks loud and clear. This man is kind, he talks what he feels and sensitive to the needs of his students. He always say that only practice will make us learn. Eventhough he teaches or he gives us everything, if we don't allow ourselves to learn, we will not pass. And only us can better ourselves. His favorite quotations, "Be the best of whatever you are, for life comes only one. Once it passed, it never turns back."and "In every boat you're put into you must learn how to row, for there will be no one who will row the boat for you on the other end of the road." And "If everything went out of your expectation, look up in heaven and say, "THY WILL BE DONE."

"Tatay" is the word that students utter whenever they see him. A word that I know is given to a head of a family. When I heard that I asked myself why do they utter such a word. As days passed by, I learned that he really is a "tatay" to every student.He cares a lot for his students. He always give attention to those who are unnoticed. Other teachers give attention to the good ones, but him, he cares to everyone especially those whom they call; "pasaway" and "bobo". For him they are special. He is loved by everybody, both elementary and high school. I realized that what they say about him is true when we became close. A good teacher with a heart. He handles free tutorials in Mathematics and Science to those who cannot pay a tutor. He meant what he say. When he say it, he will do it. A man with a word. A man worth respecting and treasured.

But now, I think I'm in a worst nightmare. Things have changed. I can see a new "tatay" now. He seems different. He is still the same man with a word, but he is very strict now. He still care to his students, but to a chosen few whom he call trusted. He still teaches well, his voice still loud and clear. He still entertains questions but to a limit. He entertains questions only in class and in his time of work. Unlike before, you can call him anytime. The doors closed.When i asked him about it, he said that he is tired of giving and doing what is good to his students because they don't seem to care. He had lost trust to these people. I can say, that I am lucky because I treasured him much and still have his trust. I pray to God that he will regain his trust to his students. I want the old "tatay" back.