sabi ko nga dati....mahirap maging teacher....madami ang responsibilidad na dapat gampanan para sa ikabubuti ng aming mga estudyante....mahirap ang papel namin...kami, na kahit na may pansariling problema, ay dapat isantabi muna para humarap sa responsibilidad namin sa aming mga estudyante...kailangan naming harapin ang mga suliranin nila para maging maganda nag takbo ng buhay nila hindi lamang sa paaralan kundi pati na rin ang personal nilang buhay...
kahapon, ang hirap isipin na sa kabila ng mga pangaral ko sa mga estudyante ko, ay mayron pa rin na nananatiling manhid at ipinagwawalang bahala ang mga pangaral ko....sa kabila ng mga pagmamahal at atensyon na ibinibigay ko sa kanila ay tuloy pa rin sila sa mga maling gawain...mga estudyante na pinipiling maging pasaway, para lang makatawag ng pansin....
ako..isang guro ay ibinigay ko na lahat ang mga bagay at pangaral na sa tingin ko ay kailangan para mapanuto sila...napakasakit sa akin na sa wala lang mapupunta ang lahat...
ayaw ko man pagalitan sila at pagsabihan ay kailangan para magising sila sa kanilang pagkakatulog...kailangan dahil sa bandang huli sa aming mga guro pa rin ibinibigay ang mga responsibilidad....
nasaan ang mga magulang? higit pa kami sa kanila, hindi nga namin sila tunay na mga anak...pero higit pa sa tunay na anak ang ibinibigay naming atensyon at pagmamahal sa aming mga estudyante...nagpapasenya kami at nagtitiis sa mga kalokohan ng mga estudyante at hanggang sa huli ay pinipilit namin silang maging maayos at mapabuti...
pero hanggang saan at hanggang kailan kami magtatagal...kami na sinasabing napakadakila ng aming propesyon...mga bagong bayani...pero hanggang salita lamang iyon...bakit? ni hindi kami mabigyan ng magandang sahod para ipantustos sa aming mga pamilya...ni hindi kami mabigyan ng tama at sapat na pagkilala sa aming kabutihang ginagawa...napapansin lang kami kapag kailangan kami...kapag eleksyon...kapag botohan...pero pagkatapos ng botohan ni halos hindi maibibigay ang sahod na nararapat para sa amin...sahod na aming pinagpuyatan at pinagpaguran kasama ng aming buhay...
kilala nyo ba talaga kami? alam nyo ba talaga kung gaano kami kahalaga sa buhay nyo?...sana hindi lamang sa salita..sana hindi lamang puro papel..sana hindi lang puro propaganda...kailangan namin ng aksyon...ng puso....ng tamang atensyon at pagmamahal dahil tao din kami....kami ang inyong guro...ang inyong pangalawang magulang....ang nagpuno ng mga kulang sa buhay nyo....
No comments:
Post a Comment