T imothy dyan sila nagmula,
H among malaki para sa aking propesyon
R umaragasang mga katanungan at
E mosyon ang aking nadarama
E wan ko kung bakit ako napapayag
sa kanila ay maging gurong tagapayo.
S ubalit nang sila ay makasama
A ko ay biglang natuwa
I bang klaseng kabataan sa aki'y tumambad.
N a kahit sila ay kakaiba
T alaga namang mamahalin mo sila.
P angako sa kanila, ako'y laging andito
H andang dumamay sa anumang oras
I kot man ng mundo ay magbago
L agi ako sa piling n'yo
I to ang aking pangako
P akamamahalin ko kayo.
N ais ko sana inyong intindihin
A ng mga pangaral ko sa inyo
N a sa bawat bagay na ating ginagawa
D iyos ang sa ati'y laging gumagabay
I to ma'y malaki o maliit
T iwala sa sarili lagi nyong dadalhin, sa
O ras na kayo'y manghina at malumbay
A ral ko'y inyong alalahanin.
K aya mga anak inyong isaisip
O ras ay mahalaga.
L umipas man ang panahon
A t kayo'y maging propesyonal
G abay ng Diyos inyong hingin
I sang pananggalang sa mundong tatahakin……
No comments:
Post a Comment