Saturday, November 6, 2010

3 kings (isang bagong buhay)

ang buhay ng isang guro ay masasabi nating mahirap at masalimuot...walang kasiguraduhan kung ano ang tamang tugtog na makakapagindak at makakagising sa mga estudyante...kami ay parang mga aktor sa entablado na umaarte para maintindihan ng mga bata ang aming mga itinuturo...sabi nga, kami ang ilaw at gabay para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan...na sa bawat salitang namumutawi sa mga labi ay pinakikinggan ng mga bata...at sa bawat kumpas ng mga kamay na kanilang sinusundan na para bang telenobelang walang katapusan...kami mga aktor na kahit may sariling hinaing ay kailangan magturo para sa mga kabataan..ika nga sa showbiz, "the show must go on." ako, isang guro na nabubuhay para sa aking mga estudyante...

isang araw ng papauwi ako galing sa school ay nakasalubong ko ang aking mga estudyante.si dave, ralph,robert at john...tinanung nila ako kung saan ako umuuwi at tinuro ko ang smart cell site. sabi ko sa tapat niyan...kala nila nagbibiro ako..sabi nila sama sila sa bahay..and i said ok...3 sila sumama, si ralph, robert at john...si dave sumakay ng traysikel at unuwi na...matagal-tagal na rin akong di nakikipag close sa mga estudyante.kasi nga bago lng ako sa skul n pinagtuturuan ko..galing akong manila at iba ang way of life dito sa bago ko tinuturuan...iba kultura...iba rin magisip mga tao...di ako close sa mga students k d2 sa bago ko skul...kng merun man mabibilang mo sa daliri...1 pa lang ang talagang close ko na masasabi kong kilala ang tunay na ako...si jerome, estudyante ko last yir sa physics at presidente ng science study club...(SAAPSSC)at salutatorian ng batch nila.Si jerome na kahit nasa manila na ngaun at duon nag-aaral ay di pa rin ako nakakalimutan kumustahin....tatay tawag nya sa akin...ano nakita ko sa kanya? totoo siya sa kanyang mga salita...maganda pananaw sa buhay at sa unang araw pa lang s klase nila ay siya lang ang unang ngumiti sa akin at nakatawag ng pansin ko...isang mabait, matulungin, at matalinong bata...

sa ngayon, ay panibagong simula.....eto nga 3 kong estudyante na di ko sukat akalain ng pupunta sa bahay...kasi wala nga nagpupunta s2dents sa bahay namin...maliban un ke jerome at un iba officers ng SAAPSSC...eto nga at sumama sila sa bahay...sabi ko nga 3 kings...at un 1 naligaw...kasi sabi nila 4 un hari na naghanap kay Jesus ng ipanganak siya.un 1 naligaw at un 3 sinundan un mga tala...e2 nga un 3 sinundan un smart cell site at di naligaw....haha...kasi tapat na tapat ng smat cell site bahay namin...haha...but sa totoo lang habang naglalakad kami ay nasa likuran ko sila...

kwentuhan...dami nila tanong..ipinakita ko sa kanila un mga old pictures ko...para makilala nila ako lubusan...kng sino ba talaga ako...nalaman nila mga favorites ko...un mga dati ko students at marami pang iba...masaya, kasi parang bigla ako nabuhay muli...parang nagbalik un dati ko sigla...kasi sa manila lagi ko kasama s2dents ko...kwentuhan kami....un mga problems nila sinasabi skin and i help them solve their problems...masaya ako na makipagkwentuhan sa mga students ko.para akong bumabata....at kahit wala na ako sa manila ay may communication pa rin ako sa kanila...i know i have made their life meaningful...and they have done to me just the same...un iba pumupunta dito sa bahay from manila para makausap ako personally...masaya ako dun,, dama ko importante ako sa kanila...

at eto nga sina robert, ralph, at john...mga bago ko anak....3 kings kasi sila ang kauna-unahang estudyante na masasabi kong close sa akin ngaun...sila ang kauna-unahang regalo sa akin ni GOD para sa birthday ko...malapit na kasi birthday ko...at napakasaya ko nung araw na nagkukwentuhan kami...alam ko di nila iyon napansin na masaya ako...pero they really made me happy... sabi nga nila first session...at me 4 sessions pa kami na gagawin...haha...napakasayang kwentuhan...alam ko hindi lang 4 sessions ang mangayayari kasi alam ko tuluy-tuloy na ito...isang bagong buhay para sa akin na matagal kong hinintay....

nasa mga estudyante ko ang kaligayahan ko...nasa kanila ang puso ko...may pamilya man akong sarili ay masasabi ko na sila rin ay pamilya ko...at sa bawat pagsambit nila ng salitang "tatay" ay langit na para sa akin....

alam ko, di man natuloy ang pangarap ko na maging pari ay para na ring ibinigay iyon sa akin ni GOD...dahil naitatama ko ang landas na tatahakin ng aking mga estudyante...sa pamamagitan ng aking mga pagtuturo ay naliliwanagan ang kanilang mga tulirong isip...





ang 3 kings sabi nga sa kwento, simbolo ng bagong pag-asa,....ang 3 kings sa buhay ko...salamat sa inyo...mga estudyante ko,mahal ko ..buhay ko....

4 comments:

  1. so they are the new ones...happy to know ur back...glad to hear dat ur with ur s2dents again,,dats my dad..my tatay...i hope they will love u and treasure you the way that i do love and treasure you tatay..just want u 2 know dat i miss u a lot....it has been a ,long time...keep up the good work tatay..ur a great teacher...love you much.GOD BLESS...sabi mo nga ingatz....

    ReplyDelete
  2. tnx tay.. ganda ng blog mo tay. hehe ang astig.. tnx sa lahat tay.. sa lahat ng tulong mo. hehe.. kahit maingay ako sa klase.. ingats lagi tay^^ masaya rin kami na makausap ka tay.. 1st time namin un.. haha.. hanggang sa susunod na mga sessions tay.. ^^

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. salamat tatay.,salamat sa blog na to.,hehe nkaka'iyak pla magbasa ng gnito,ndi ko sukat akalain.,SUPER LIKE to skin sir:) salamt po uli.,ingatz na lng mo kau. <3

    ReplyDelete